Linggo, Marso 10, 2013

Backstabbers

Backstabbers (about friends..) 

My very first blog, backstabbers. TADA! hahaha. 

Backstabbers.. Ano nga ba ang ibigsabihin ng salitang backstabbers? Eto ang mga taong sinasaksak ka patalikod. Yung tipong malapit ka ng hubaran ang katawan mo dahil pinagkakalat nya lahat ng mga sikretong sinabi mo sa kanya. Sisiraan ka, hanggang sa wala ng magkagusto sayong makipagkaibigan. Sisiraan ka, para mawala ang atensyon ng mga tao sayo. YAN ANG BACKSTABBER. Ang backstabber parang pulubi yang pakalat kalat, Akala mo kung sinong mabait na kaawa awa. Ang backstabber parang mamamatay tao yan, sasaksakin ka patalikod kahit wala kang ginawang masama. TAKE NOTE! LAHAT NG BACKSTABBERS AY INGGITERA. 


Pano malalamang binabackstabb ka na ng mga friends mo? Simple lang, kung lahat ng mga friends mo lumalayo na sayo. Tapos wala ka ng natatamong atensyon. Pinaka advice, kayo na mismo makakapansin na binabackstabb na kayo. Wag kayong magpakashunga o magpakamanhid.. Di naman kayo irereward kung ginawa nyo yan e! Alam nyo kung anong magandang gawin kapag binabackstabb na kayo? Lumayo kayo sa mga kaibigan mong ganun! Kahit labag sa kalooban mo, kelangan mong lumayo! Wag magpakatanga. Isipin mo, bakit ka binabackstabb? KASI MERON KA NA WALA SILA! Naiingit sila sayo. Di mo kelangan mag-emote para lang maisip kung bakit ka binabackstabb. You don't deserve this kind of people!  Di mo sila kawalan. Kundi, sila ang may kawalan sayo. By the time na ginawa mong lumayo, mare-realize nila na mali ang ginawa nila sayo. Kung may pagkakataong lumapit at humingi sila ng tawad sa iyo. At nararandaman mong di na nila uulitin. Patawarin mo sila. Ikaw ba gusto mong may kaaway ka? Ako ayoko. Haha. Atsaka masama ang di magpatawad. Ikaw nga eh, ang dami mo ng kasalanan kay Jesus, ano ginawa nya? Pinatawad ka nya. Parati ka nyang pinapatawad kapag nagso-sorry ka. Actually, di ka pa nga nagso-sorry, pinapatawad ka na nya e. Diba? So sana, gawin natin yun sa mga taong nagso-sorry sa atin na bukal sa kanilang loob. FORGIVE. <3


Alam nyo, madaming rason kung bakit kayo binabackstabb ng friends nyo: 

1, NAIINGIT
2, KULANG SA ATENSYON
3, TRIP NYA LANG I-BACKSTABB KA. 

Alam kong madami pang rason dito sa topic na to. Kaya you are free to comment sa mga blogs ko! I will help you guys. Bibigyan ko kayo ng mga tips kung anong gagawin. Pero wag nyong kalimutan na always pray kay God. :) 


Thank you. God bless :-) ~ comments. 

Cyan Athena De Guzman Cezar

Hi i'm Cyan Athena De Guzman Cezar, nickname: CHICHI. First time ko pong makakapag-blog dito, ii-introduce ko muna ang aking sarili. Taga-Pilipinas ako, halata naman diba? HAHAHA. Ahmm. Ako yung babaeng mahilig kumanta, sumayaw, at mag-joke sa pamilya at mga kaibigan ko. Ang sabi nila, kung sino daw ang magaling at super nakakatawa ang joke sa magkakaibigan, sya daw ang sobrang pait ng storya ng buhay. Lol. hahaha. Di ko alam kung madrama tong storya ng buhay ko para sa inyo, pero ilalagay ko na din dito.. Para karagdagang kaalaman ng bagong blogger. Haha. Di ko pa kasi nakikita ang tatay ko. As in sa buong buhay ko. Nye, tama na. Iiyak na naman ako. Haha. Nevermind. Ibang topic naman! HAHAHA. Ahm, ako yung babaeng mapagmahal sa PAMILYA at mga KAIBIGAN. Ako yung tipong manhid sa MGA PLASTIK KONG KAIBIGAN. Kahit super binabackstabb na ako, wala akong pakeelam. Pero take note: KUNG BINABACKSTABB MO AKO, TAS WALA TAYONG PINAGSAMAHAN, TAKBO NA! HAHAHAHAHHA JOKE. Kaya lang naman ako nagpakamanhid sa isa kong kaibigang backstabber dati. Kasi super dami ng pinagsamahan namin. Kinder palang kami magkasama na kami. Oh diba? Tas magugulat ako na binabackstabb nya ako. Pero ngayon, okay na ako. haha. Okay na ang pagsasama naming magkaibigan. ~


Okay, ahm, gustong gusto kong magsulat ng mga blogs about love, family, friends, at iba pa. Sana ma-enjoy nyo ang pag babasa ng aking blogs! Karamihan sa blogs ko, may mga advice....


THANK YOU :-) God bless. ~